Opisyal ng binuksan ang selebrasyon ng ika 37 Kadayawan Festival sa Davao City. Ito’y sa pamamagitan ng ginanap na misa pasasalamat kahapon at ang subang sinugdanan.
Pinangunahan mismo ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte ang maikling programa na isinagawa na kung saan ay pangunahing panaohin ang deputy leaders ng labing isang tribu sa lungsod. Dumalo rin sa pagbubukas ang mga delegado mula Germany, Malaysia, Singapore at South Africa.
Narito ang pahayag ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.
Nakiisa din sa selebrasyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kung saan sa mensahe ng pangulo ay tinawag nito ang Davao City na “shining beacon of progress” sa bansa.
Pinuri rin ng Pangulo ang katatagan at pagkakaisa ng mga dabawenyo sa likod ng hirap at pagsubok na nadaan ng lungsod. Dagdag nito na sana’y manatili pa at mas uunland ang lungsod. Di rin dapat na kalimutan ng mga Dabawenyo ang pasasalamat para sa mas masaganang ani na siyang naging pundasyon sa maunlad na Davao City.
Ang Kadayawan Festival o mas kilalang king of all festival ay taunang ipinagdiriwang sa lungsod pero dalawang taun din itong natigil dahil covid pandemic. Kung kaya’t labis ang galak ng mga Dabawenyo na muling isasagawa ang physical activities nito ngayung taon.
Sa katunayan limangpung libo na local at foreign tourist ang inaasahang makisaya sa Kadayawan. Mahigit labing isang libo na security personnel naman ang ipapakalat para sa seguridad at kaayusan ng festival.
Narito naihanay n aaktibidad ngayong susunod na araw, isasagawa sa Agosto 17 ang coronation night sa Hiyas ng Kadayawan kung saan labing isang mga magagandang dilag na representante ng labing isang tribo sa Davao ang maglalaban laban sa titulo bilang hiyas ng kadayawan.
Habang ang buong araw naman sa Agosto 18 ay puno ng mga cultural presentation sa Sayaw Kadayawan at Bantawan. Agosto 19 ang tagisan ng lakas ng mga tribal communities sa pamamagitan ng mga katutubong laro sa Dula Kadayawan.
At sa Agosto 20 ang Indak-Indak sa Kadayawan habang Agosto 21 ang Pamulak sa Kadayawan na parihong isasagawas sa San Pedro street.