Aabot umano sa 375,000 hanggang 400,000 na mga estudyante sa buong bansa ang makikinabangan sa educational cash aid na ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ang iniulat ni Sec. Erwin Tulfo, kung saan ang ayuda ay magbebenipisyo sa mga mag-aaral mula sa elementarya hanggang kolehiyo na ipapamahagi tuwing araw ng sabado hanggang Sept. 24.
Una nang nagkasundo ang DSWD at DILG sa pamamagitan nang paglagda sa memorandum of agreement.
Ang hakbang ng dalawang departamento ay upang hindi na maulit ang gulo sa mga tanggapan ng dswd noong nakalipas na Sabado.
Sa bagong sistema ang mga aplikante ay nararapat na mag-apply sa pamamagitan ng isang website ng bawat local government units.
Habang ang DSWD ang siya namang mag-a-assess sa applicants kung sino sa mga ito ang kwalipikado sa pagtanggap sa assistance.
Iniiwasan daw kasi na magamit ng mga local officials na mahaluan ng politika ang pamamahagi ng assistance program.
Sa mga dati kasing panahon ilang mga LGU officials ang inuuna raw ang kanilang mga kakilala o kaya ilan nilang mga kaanak.
Nagpaalala rin naman si DILG Secretary Benhur Abalos na ang gagawa ng listahan para sa ibibigay na ayuda ay manggagaling sa DSWD at hindi sa gobernador, hindi sa mayor at hindi sa kapitan.
Ang pera din umanong manggagaling, ay hindi rin kay mayor o gobernador, o kay kapitan kundi sa national government na idinaan sa DSWD.