Tumipon ng 37 points si Kawhi Leonard upang tambakan nang husto ng Toronto Raptors ang dumayong Orlando Magic, 111-82.

Umalalay din si Kyle Lowry na nagpakawala ng 22 points, at si Pascal Siakam sa kanyang 19 points at 10 rebounds para sa Raptors na pinantay sa 1-1 ang kanilang serye ng Orlando.

-- Advertisement --

Hindi rin kailanman nabaon ang Toronto sa laro at napalawig pa nila ng hanggang 34 puntos ang kanilang abanse kontra sa Magic.

Kahit may foul trouble, nagtapos na may career playoff-high 15 field goals si Leonard.

Sumandal naman ang Magic kina Aaron Gordon na kumamada ng 20 markers, Terrence Ross na humugot ng 15, at Evan Fournier 10.