Panibagong batch ng mga Pilipino na binubuo ng 37 Pilipino mula sa Gaza ang nakatakdang maiuwi sa Pilipinas bukas, Biyernes ng hapon.
Ito ay matapos ang mahigit isang buwang pag-aantay para makalikas mula sa Palestinian territory na punterya ngayon ng pambobomba.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega, nasa 37 mula sa 40 Pilipino ang nakatawid na patungong Egypt mula sa Gaza noong Martes matapos ang saglit na pagbubukas ng Rafah border.
Nakatakdang dumating ang ma ito sa Ninoy Aquino International Airport hapon ng Biyernes sa pamamagitan ng Qatar Airways.
Habang ang 3 Pinoy ang matitira sa Egypt dahil 2 sa kanila ay mayroong asawang egyptians at sinusubukang makakuha ng permanent residency sa Egypt habang ang isa naman ay 38 linggo ng buntis.
Kahit pa payagan ito sa makabiyahe sa bisa ng medical clearance, hindi aniya sila sigurado kung papayagan itong makasakay.
Sa mga 37 Pinoy, kasama ding darating sa bansa ang asawang Palestino ng isa sa mga Pinay repatriates.