-- Advertisements --
Patay ang nasa 37 katao at maraming katao ang sugatan sa naganap na wildfire sa bulubunduking bahagi ng eastern Algeria.
Sinabi ni Algerian Minister of Interior Kamal Beldjouda na naganap ang wildfire sa El Traf malapit sa border nila ng Tunisia.
Sinira ng apoy ang mahigit 2,600 hectares ng kagubatan ng nasabing bansa.
Gumamit na ng helicopter ang mga bumbero para tuluyang maapula ang sunog.
Tiniyak naman ni Prime Minister Ayman bin Abd al-Rahman na mabibigyan ng tulong pinansiyal ang mga kaanak ng mga nasawing biktima.