Clemson Univ football stadium
Clemson University Memorial Stadium (photo Wiki/Melizabethi123)

Panibago na namang 14 na mga football players ang nagpositibo sa COVID-19 sa Clemson University na nasa Western South Carolina.

Dahil dito kabuuang 37 players na sa Tigers roster ang tinamaan ng virus.

Ang Clemson ang itinuturing na isa sa best team program sa college football na kinukunan din ng mga players ng NFL.

Sa kanilang statement nagpaliwanag naman ang Clemson Athletics na ginagawa naman nila ang lahat sa pag-aalaga sa kanilang mga players.

Sa kabuuan ay nakapagsagawa na sila ng 430 tests sa mga atleta.

“Clemson Athletics is monitoring 19 active COVID-19 cases as of June 26, concluding a week in which 28 individuals who had previously tested positive have now completed a minimum 10-day isolation period. Through June 26, there have been no hospitalizations for any individual within Clemson Athletics related to COVID-19, and approximately half of the cases have been asymptomatic,” bahagi pa ng statement. “Clemson has completed 430 tests thus far since June 1, with a total of 47 positive results. Nineteen new cases were identified since the previously announced update on June 19, fourteen of whom are football student-athletes.”