TUGUEGARAO CITY – Naalarma na ang mga opisyal sa rehiyon ng Cagayan Valley matapos umabot pa sa 35 ang bilang ng mga namatay dahil sa dengue.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Rio Magpantay, regional director ng Department of Health (DOH)- 2 mula sa 7,786 na kaso ng sakit mula Enero hanggang nitong Agosto.

Ayon sa opisyal, pinaka-maraming nasawi sa Isabela, 18; habang 15 naman sa Cagayan. Dalawa naman ang namatay mula sa Quirino.

Wala namang nasawi mula sa Nueva Vizcaya at Batanes.

Hinimok ni Magpantay ang publiko na makiisa sa programa ng DOH na “4-oclock habit” para tuluyang mapababa ang kaso ng dengue sa rehiyon.