-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang bilang ng mga naitatalang election-related incident ng Philippine National Police habang papalapit na ng papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCOL Jean Fajardo, sa ngayon ay umabot na sa 35 ang bilang ng mga insidenteng naitala ng pulisya mula sa iba’t-ibang panig ng bansa kung saan 12 ang hinihinalang may kaugnayan sa nalalapit na halalan.
Habang apat naman ang validated ng election-related incident ng kapulisan, kung saan tatlo rito ang shooting incident, habang isa naman ang alarm and scandal.
Samantala, bukod dito ay nasa 19 na mga non-election related incident naman ang naitala ng PNP.