-- Advertisements --

ILOILO CITY- Nagkahawaan ng COVID-19 ang 35 mga health workers sa isang pribadong ospital sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Florentino Alerta, training consultant at safety and pollution control officer ng Iloilo Mission Hospital, sinabi nito na karamihan sa mga empleyado na nagpositibo sa COVID-19 ay nagmula sa Business Office.

Ayon kay Alerta, nabakunahan na ng AstraZeneca at Sinovac brand ang mga empleyado na nagpositibo sa COVID-19.

Nagpaalala naman si Alerta sa publiko na ang COVID-19 Vaccine ay nagbibigay lang ng proteksyon upang hindi lumala ang kondisyon ng isang pasyente na nahawaan ng virus.