Tatlumpu’t apat na deprived of liberty (PDL) sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan ang nakatakdang palayain sa huling bahagi ng Abril o unang bahagi ng Mayo ng taong kasalukuyan.
Ang pagpapalaya ay gagawin pagkatapos makumpleto ang anim na buwang Pre-Release Psychological Intervention Program (PRPIP) na nagsimula noong Nobyembre 8.
Sinabi ng kawanihan na ang Pre-Release Psychological Intervention Program ay naglalayong tulungan ang mga PDL na iproseso ang kanilang mga apprehensions at inaasahan kaugnay sa kanilang paglaya.
Ayon kay BuCor chief Gregorio Catapang na ang mga PDL ay handa na para sa kanilang reintegration sa mainstream society.
Lumalabas sa talaan ng BuCor na mula Enero 1 hanggang Enero 30 ngayong taon, may kabuuang 632 inmates ang pinalaya mula sa iba’t ibang pasilidad ng bilangguan ng BuCor.
Mula noong Hunyo 2022, ang BuCor ay naglabas ng kabuuang 11,347 PDLs.