-- Advertisements --

Patay ang 33 myembro ng Turkish army matapos ang isinagawang air strike ng Syrian “regime forces” sa hilagang-kanluran ng Syria.

Marami naman ang sugatan sa probinsya ng Idlib ayon kay Rahmi Dogan, gobernador sa probinsya ng Hatay, Turkey.

Sinimulang atakihin ng Turkish military ang Syria matapos magsagawa ni President Recep Tayyip Erdogan ng agarang top-level security meeting sa Ankara noong Huwebes.

Matapos ng nasabing pagpupulong ay kaagad na nagtungo sina Defence Minister Hulusi Akar at ilang senior Turkish military commanders sa Syrian border upang ipatigil ang lahat ng groud at air attacks laban kay Syrian President Bashar al-Assad.

Nais ni Pres. Erdogan na lisanin na ng Syrian government forces ang kani-kanilang posisyon kung saan nagtayo ang Turkey ng military observation posts sa takot na ituloy ng nasabing bansa ang kanilang banta na pag-atake sa oras na hindi umalis ang tropa militar ng Syria.

Subalit hindi sinunod ng gobyerno ng Syria at Russia ang nais ni Erdogan. Inakusahan din ng Russia ang Turkey dahil sa di-umano’y paglabag nito sa 2018 ceasefire.