-- Advertisements --
Nakapagtala pa ng 152 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw. Ibig sabihin nito, lumobo pa sa 3,246 ang total na bilang ng mga positive cases.
Nadagdagan din ang numero ng mga namatay dahil sa walong bagong deaths, na nagpa-akyat sa total na bilang na 152.
Muli namang dumami ang bilang ng mga bagong gumaling, matapos tumuntong sa 64 ang recoveries.
Bunsod ito ng pitong nag-recover.