-- Advertisements --

Nasa 32 katao na ang nasawi sa patuloy na kaguluhan sa Libya.

Nakipagpalitan ng putok ang mga armadong suspek kung saan nasira ang ilang mga pagamutan at ilang mga gusali.

Ayon sa Libyan health ministry na posibleng tumaas ang bilang ng mga masasawi dahil sa nasa malubhang kalagayan ang ibang mga biktima na itinakbo sa pagamutan.

Nagsimula ang labanan sa pagitan ng mga supporters nina Abdulhamid Dbeibah at Fathi Bashagha na naglalaban para kontrolin ang bansa.

Si Bashagha ay itinalaga ng eastern-based parliament ng Libya na ito ay suportado ni eastern military chief Khalifa Haftar.

Nitong nakaraang araw kasi ay pinaatras ng armed forces ng kinikilalang government ang convoy ng militia loyal kay Fathi-Bashagha.