-- Advertisements --
Itinakbo sa pagamutan ang 32 bata at staff ng isang daycare center sa Allentown, Pennsylvania matapos na makalanghap ng kemikal.
Ayon kay Allentown spokesperson Genesis Ortega na galing sa isang gas leak malapit sa Happy Smiles Learning Center.
Nakaranas ng pagkahilo at pagsusuka ang mga biktima kaya napilitang ilikas ang mga ito palabas ng gusali.
Nasa mabuting kalagayan na ang mga biktima at sila ay nakalabas na sa pagamutan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa naganap na carbon monoxide leak sa lugar.
Maaring galing sa mga nagleak na gas stove, generators o ibang mga gasoline-powered equipment, car exhaust, gas space heaters, fireplaces at gas water heater ang nasabing carbon monoxide.