CEBU CITY – Nakipag-ugnayan ngayon ang isang Non-government Organizations (NGOs) sa Cebu City government upang magtayo ng waste-to-cash sites dito na tatawaging “Aling Tindera” bilang solusyon na rin sa problema sa mga basura.
Inihayag pa ng Friends of Hope organization na kanilang pinili ang lungsod bilang katuwang dahil kabilang pa umano sa prioridad ng administrasyon ni Mayor Mike Rama ang waste segregation.
Magsisilbing isang aggregation hub ang mga sites na ito kung saan maaaring magbenta ang residente dito ng post-consumer plastic sa pamamagitan ng pagkilo nito.
Humingi na ng tulong ang organisasyon sa pamahalaang lungsod upang na makahanap ng mga lugar kung saan pwedeng pagtayuan ng “Aling Tindera” sites.
Target pa ng NGO na mag-set up ng hindi bababa sa 50 sites sa lungsod gayunpaman nais ni Rama na magkaroon ng hindi bababa sa 300 mga sites.
Naghahanap na ngayon ng probable sites ang lungsod para pagtatayuan ng nasabing proyekto.