-- Advertisements --

Nilagdaan na ng pharmacy giant sa United Kingdom ang $750 million deal o halos P38 trillion pesos katuwang ang Vaccine Alliance Gavi at Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI).

Kasabay nito ay inanunsyo ng AstraZeneca na gagawa ito ng 300 million doses ng COVID-19 vaccine candidate na gawa ng mga scientists mula sa Oxford University bago matapos ang taong 2020.

Ang mga gamot na ito ay gagawin ng Coalition for Epidemic Preparedness Innovations habang ang Vaccine Alliance Gavi naman ang mangangasiwa sa procurement process.

Nagkaroon din ng kasunduan ang naturang pharmacy sa Serum Institute ng India upang gumawa ng 1 billion dose ng vaccine na ipapamahagi sa buong bansa at iba pang developing countries.

Sisiguraduhin naman ng Bill and Melinda Gates Foundation kasama ang World Health Organization na magiging patas ang pamimigay ng mga gamot saan mang panig ng mundo.

-- Advertisement --

Kasalukuyan nang sumasailalim sa human trial ang vaccine na gawa ng Oxford University.