Inanusiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng trabaho sa may 300 empleyado ng nasunog na Star City.

Ayon sa DOLE may inilaaan silang P4.8 milyong pondo para sa nasabing programa.

Ang nasabing programa ay napapaloob sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) program.

Sasailalim sa profiling ang may 393 sa kabuuang 500 na empleyado ng nasabing kumpanya.