-- Advertisements --

Iniulat ng Israeli prison authorities na aabot sa 30 Palestinian prisoners ang kanilang pinalaya nitong Huwebes ng gabi.

Ito ay sa gitna ng latest exchange ng Israel at militanteng Hamas sa ilalim extended truce deal ng dalawang panig.

Kabilang sa mga bilanggong Palestinian na pinalaya ng Israeli prison authorities ay 23 menor de edad, at pitong kababaihan.

Ang mga ito ay pinalaya ng ilang oras matapos pakawalan ng Hamas ang walong Israeli hostages na kanilang bihag.

Nakasaad sa truce agreement ng Israel at Hamas ang pagpapalaya ng buhay sa hindi bababa sa 10 Israeli hostages kada araw.

Kung maaalala, mula noong Nobyembre 24, 2023 ay umabot na sa 110 hostages ng Hamas ang napalaya kabilang na ang 80 Israelis na resulta naman truce agreement nito sa Israel.

Habang nasa 240 Palestinian prisoners naman ang pinalaya ng Israel bilang kapalit.