-- Advertisements --
Nasa 30 katao ang nasawi sa naganap na mudslide sa isang jade mine sa northern Myanmar.
Bukod pa sa mga nasawi ay marami ang naiulat na nawawala sa bayan ng Hpakant sa Kachin state ang lugar kung saan talamak ang jade mining.
Nagbunsod ang aksidente dahil sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan sa lugar.
Hind na bago ang nasabing mga insidente ng landslide dahil noong Hulyo 2020 ay mayroong 162 katao ang nasawi habang noong 2015 ay 110 katao din ang nasawi.