KORONADAL CITY – Aabot sa 30 bahay ang sinira ng nanalasang buhawi sa Sto. Nino, South Cotabato nitong araw.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sto. Nino, may isang residente mula Brgy. Roxas ang nasugatan dahil sa nasabing trahedya.

Kinilala itong si Marvin Legaspi na nadaganan umano ng natumbang kahoy. Sa ngayon nagpapagaling na raw ito matapos matukoy na naapektuhan ang kanyang gulugod.

Mula naman sa 30 bahay na naitalang napinsala ng buhawi, walo raw ang labis na nasira.

Agad nagpaabot ng tulong ang Sto. Nino LGU sa mga naapektuhang pamilya.