-- Advertisements --

MANILA (Update) – Nahanap na ng mga operatiba ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang katawan ng tatlong trabahador na na-trap matapos gumuho ang bahagi ng isang gusali sa Maynila na kasalukuyang dine-demolish.

Pasado alas-8:00 ng gabi nitong Sabado nang gumuho ang isang bahagi ng Philam Life Building sa may Maria Orosa Street.

Batay sa inisyal na ulat, dalawang demolition worker ang isinugod sa ospital.

Mayroon namang tatlong iba pang manggagawa ang na-trap sa gumuhong gusali.

Na-recover ng BFP-National Capital Region ang katawan ng tatlong na-trap na trabahador pasado alas-12:00 ng madaling araw ng Linggo.

Ayon sa BFP-NCR, gumuho ang ground floor at basement ng 6-storey building.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.