Tiwala ang si Gilas Pilipinas big man Japeth Aguilar na makakagawa ng malaking ‘surpresa’ ang Gilas Pilipinas sa kabuuan ng kampanya sa FIBA Basketball World Cup 2023.
Ayon kay Aguilar, marami ang oras na kanilang ginugol upang makapaghanda at nagawa naman nila ang lahat sa kabuuan ng kanilang preparasyon.
Naniniwala din ang 6’10 Gilas veteran na mahihigitan pa ng Team Philippines ang nagawa ng Team na sumabak noong 2014, sa pangunguna ng batikang player na si Jimmy Alapag.
Maalalang si Aguilar ay naging bahagi rin ng nasabing team, kung saan ito ang unang pagkakataon sa loob ng 40 taon na nagawa ng Philippine team na maipanalo ang isang laban.
Lahat din ng naging laban ng koponan ay pawang mga closed games.
Kahapon nang pinangalanan ng coaching staff ng Gilas Pilipinas ang 12-man lineup na bubuo sa FIBA 2023 Gilas team.
Bahagi ang beteranong si Aguilar sa nasabing lineup.