-- Advertisements --

Binigyang diin ng Office of the Ombudsman na hindi umano mabubura ng ‘recantation’ ang mga ebidensya sa flood control cases kontra kay former House of Representatives Martin Romualdez. 

Ayon kay Assistant Ombudsman Atty. Mico Clavano, hindi ‘eraser’ ang pagbawi ng salaysay o pag-atras ng testigo upang mabura ang katotohanan. 

Kanyang itinuring bilang ‘misleading’ ang pahayag ng kampo ni former House Speaker Romualdez nagsasabing may epekto sa kaso ang pag-recant ng ilang testigo. 

Giit ni Ombudsman Spokesperson Clavano, bagama’t may pagbawi ng salaysay, mananatili pa rin ang naunang testimonya. 

Ang mangyayari lamang daw ay ikukumpara ang ikalawang salaysay upang determina kung ano ang totoo. 

Maisa pang ulit niyang binigyang diin na hindi porket may ‘recantation’, awtomatikong burado na ang naunang mga salaysay. 

Nananatiling positibo pa rin ang tanodbayan sa paniniwalang ang naganap na pagbawi ng salaysay ay maaring magsilbi pa bilang karagdagang mga ebidensya. 

Si former House Speaker Romualdez ay nahaharap sa mga reklamong plunder, direct bribery, graft at money laundering sa Office of the Ombudsman kaugnay sa maanomalyang flood control projects.