Ipinauubaya na ng Malacañang sa Office of the Ombudsman ang posibilidad ng pagsasagawa ng imbestigasyon at pagpapasya kung may sapat na ebidensiya para sampahan ng kasong kriminal si Vice President Sara Duterte.
Ito ay kaugnay ng umano’y maling paggamit ng kaniyang confidential funds bilang pangalawang pangulo at bilang dating kalihim ng Department of Education.
Binigyang-diin Presidential Communications Office na dapat managot ang sinumang mapatunayang may pananagutan batay sa ebidensiya.
Bago nito ay nagpahayag ang House Prosecution na isusumite nila sa Ombudsman ang mga ebidensiyang nalikom sa impeachment trial.
Batid umano ng Palasyo na naka-abang ang publiko sa magiging resulta ng imbetigasyon ng Ombudsman kaugnay sa maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education nuong si VP Sara pa ang kalihim.
Pormal na ring hiniling ng Tanodbayan sa House panel ang kopya ng mga naturang record.















