-- Advertisements --

 Bumigay at tuluyang naputol ang dulong bahagi ng Aquino Bridge sa Tarlac City kagabi, dahilan upang isara ito sa mga motorista.

Ayon San Isidro, Tarlac City Information Office, dakong alas-11:30 ng gabi nang bahagyang umangat ang tulay. Makalipas ang ilang minuto, dakong alas-11:55 ng gabi, tuluyan nang bumigay at naputol ang bahagi ng tulay.

Dahil dito, agad na isinara ang Aquino Bridge sa mga motorista, pinaalalahanan naman ang mga motorista na gamitin ang ibang alternatibong daan.

Naitayo ang Aquino Bridge noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino at ipinangalan sa kanyang yumaong asawa na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Noong 2014 hanggang 2015, isinailalim sa repair at pagpapalawak ang tulay matapos itong masira dahil sa mga nagdaang bagyo.