-- Advertisements --
Ibinahagi rin ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez ang rekomendasyon ng kagawaran na sampahan ng kaukulang kasong kriminal ang pulis na may-ari ng baril na ginamit sa naganap na pamamaril sa isang estudyante sa Tacloban City.
Inirekomenda ng DOJ na ihain ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at physical injuries laban kay Police Staff Sergeant Arla Ray Pacencia.
Nakatakdang ipasa ang pormal na demanda sa Family Court ng Regional Trial Court sa Tacloban City.
Tiwala naman ang DOJ na magiging maayos at naaayon sa panuntunan ng batas ang pag-usad ng justice process para sa lahat ng partidong sangkot.















