-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Lalo pang babagsak ang ekonomiya na maranasan ng Estados Unidos habang hindi pa makabuo ng epektibong bakuna na panlaban ng Coronavirus Disease (COVID-19) na tumama sa buong mundo.

Ito ay matapos nagtala na ng inisyal na $3-trillion na pagkalugi ng ekonomiya ang Amerika dahil sa patuloy na pagtama ng bayrus sa mga estado na nasasakupan nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Philippine Consulate Deputy Consul General Kerwin Tate na kung anuman ang ipinasa na batas ng US Congress na halaga bilang stimulus package ay ganito halos rin ang naranasan na economic loses ng Estados Unidos.

Inihayag ni Tate na bahagi sa naipasa na 2 trilyon dolyares ay mapupunta sa financial assistance para sa mga apektadong Amerikano at ibang foreign nationals na nagta-trabaho sa nasabing bansa.

Dagdag ng opisyal na inaasahan rin ng Amerika na hihina pa ng tuluyan ang kanilang ekonomiya sapagkat tinatansa nila na aabot pa sa 300 hanggang 400,000 na mga residente ang tatamaan ng inspeksyon ng bayrus.

Batay sa huling data ng World Health Organization,nasa 215,344 na positibong kaso na ang Amerika kung saan 5,112 ang kompirmadong namamatay habang 5,005 ang kritikal at 8,878 ang nakarekober mula sa 201,354 active COVID-19 cases.