BUTUAN CITY – Tatlong mga Pinoy surfers mula sa Siargao Island ang abante na ngayon sa finals sa nagpapatuloy na 25th Siargao International Surfing Cup na isinagawa sa bayan ng General Luna, Surigao del Norte.

Ayon kay Bebz Calixto – executive director ng 25th Siargao International Surfing Organizing Committee, mahigpit na makakaharap ng naturang mga Pinoy surfers sa pangunguna ni John Mark Pocong ang Amerikanong surfer na nanalo nitong nakalipas na taon.

Sobra ang kanilang kagalakan dahil mula sa 64 mga international surfers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na sumali sa nasabing event ay kasama ang tatlong mga Pinoy surfers sa mga pasok sa finals na gaganapin ngayong Oktubre 9.