ROXAS CITY – Sugatan ang tatlong mga indibidwal matapos ang nangyaring aksidente sa kalsada ng Barangay Sibaguan, Roxas City.

Kinilala ang mga biktima na sina Jesus Salazar, 68, Susanna Salazar, 56, pawang mga residente ng Barangay Lawaan sa lungsod.

Base sa imbestigasyon ng Roxas City Police Station na bigla na lamang nawalan ng kontrol sa pagmaneho ng motorsiklo ang driver na si Joefel Bismanos, 46, ng Plaridel St., Barangay VIII nitong lungsod dahil sa madulas na kalsada dahilan na natumba ang minamaneho nitong motorsiklo at dalawang kasamang mga backrider.

Mabilis naman na dinala sa isang pribadong ospital ang mga biktima para bigyan ng lunas ang natamong sugat.