DAGUPAN CITY – Nag-iwan ng tatlong kataong sugatan ang karambola ng tatlo ring saksakyan sa Bayambang, Pangasinan.

Ayon sa impormasyon, binabagtas ng tatlong sasakyan ang kahabaan ng M.H Del Pilar na kinabibilangan ng tricycle na minamaneho ng isang Joel Libres sakay ang tatlong pasahero nito, tricycle na minameneho ni Eric Jay Iglesias, at motorsiklo na minamaneho ni Jerome Eliang na lulan ang backride nito, nang magkabanggaan ang mga naturang sasakyan.

Bunsod nito ay nagtamo ng pinsala sa kanilang katawan ang driver na si Iglesias at Eliang, pati na ang backride nito. Masuwerte namang hindi nasugatan ang mga sakay ni Libres.

Dinala ang mga sugatang biktima sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.