CENTRAL MINDANAO- Sugatan ang tatlong katao nang bumaliktad ang isang mixer truck sa Sitio Patulangon Brgy Malasila Makilala Cotabato.

Ayon sa ulat ng Makilala PNP na nawalan umano ng break ang mixer truck at hindi na makontrol ng driver ang manobela kaya bumaliktad ito sa gilid ng kalsada.

Ang mga sugatan na kinabibilangan ng driver at dalawang helper ay agad dinala sa pagamutan at nasa ligtas ng kalagayan nang magtamo ng minor injury sa kanilang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Traffic Unit ng Makilala PNP sa pagbaliktad ng mixer truck.