-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isinailalim sa lockdown ang purok sa isang Barangay sa lungsod matapos na makapagtala ng kaso ng COVID-19.

Ito ang naging agarang hakbang ng Davao City Covid-19 Task Force (TF) upang sa gayon ay mapigilan pa ang pagtaas ng COVID-19 sa nasabing lugar. 

Sinasabing nasa 56 na mga residente ang dinala sa PUI center para isailalim sa quarantine. 

Dahil dito, pinayuhan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa nasabing barangay. 

Nabatid na maraming mga barangay na sa lungsod ang nakapagtala ng maraming kaso ng COVID-19, dahilan para ipinatupad ang clustering. 

Sa kasalukuyan nasa 113 na ang kaso ng COVID-19 sa Davao Region, 16 ang namatay habang nasa 59 naman ang naka-recover 

Muli naman na nanawagan si Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa publiko na sumunod sa mga ipinatupad na mga polisiya lalo na at araw-araw umanong nadagdagan ang kaso ng Covid-19 sa lungsod.