-- Advertisements --

Inatasan na ni Police Brigadier General Ronnie Montejo si Cebu Provincial Director Police Colonel Engelbert Soriano na disarmahan ang tatlong pulis na sakop ng San Fernando PNP at temporaryo munang ilalagay sa Provincial Holding and Admin Unit (PHAU) ng Cebu Provincial Police Office habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon laban sa mga ito matapos inireklamo ng isang babae ng panggagahasa.

Hindi pa inilabas ang pangalan ng tatlong pulis na inakusahan kung saan may ranggo ang mga itong corporal at master sergeant.

Napag-alamang isang 20 anyos na babae ang nagpaabot ng reklamo sa tanggapan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Visayas Field Unit at ipinasa ito sa tanggapan ng Women and Children Protection Center(WCPC)-7 upang ito na ang magdala sa kaso.

Inihayag pa ni Montejo na bago lang silang nakatanggap ang ulat na umano’y walang katotohanang paratang sa mga pulis.

Nais naman nitong mabigyan agad ng aksyon at maresolba ang reklamo laban sa tatlong pulis.

Dagdag pa ng heneral na kung mapatunayan ng mga inireklamong pulis na walang katotohanan ang akusasyon laban sa kanila, mas mabuti umanong sampahan nila ng kaso ang nagreklamo dahil dinumihan nito ang kanilang pangalan.