-- Advertisements --
Sugatan ang tatlong Filipino crew ng isang Liberian-flagged civilian vessel matapos na tamaan ng missile ng Russia ang kanilang barko.
Ayon sa southern military command ng Ukraine na tumama ang missile habang nasa pantalan ng Odesa region ng Black Sea ang nasabing barko.
Dahil sa pangyayari ay isang crew ang agarang nasawi habang sugatan ang tatlong Filipino crew at isang empleyado ng pantalan ang nasugatan din.
Patuloy na inaalam ng Department of Foreign Affairs ang pagkakakilanlan at kalagayan ng tatlong Filipino crew na nasugatan sa insidente.