-- Advertisements --

Patay ang tatlong babae habang apat ang sugatan matapos ang walang habas na pamamaril ng isang lalaki sa lungsod ng Caloocan.

Ayon sa Caloocan City PNP , kinilala ang mga biktima na sina Lourme Orbe, 72-anyos ; Angelica Orbe, 39 at Mary Jane Abary; 48-anyos pawang mga residente ng Barangay 10.

Sugatan ang isang biktima na kinilalang si Christian Orbe, 38-anyos ang asawa ng isang nasawing biktima na si Angelica.

Habang inaresto ang suspek na si William Jaymee Sy, 46-anyos.

Ginamit ng suspek ang isang Glock 17 na 9 mm na baril at shotgun.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinakamotibo ng suspek sa nasabing pamamaril.