-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao habang isa ang sugatan sa naganap na karambola ng mga sasakyan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).
Naganap ang insidente sa bahagi ng Mabalacat, Pampanga na kinasasangkutan ng isang pick-up truck na mula sa Northbound ay bumangga sa metal barrier kaya ito napunta sa Southbound.
Tumama ang pick-up sa isang kotse na lulan ng apat na katao kung saan tatlo sa kanila ang nasawi habang ang isa ay dinala sa pagamutan.
Tinamaan din ng pick-up truck ang isang pampasaherong bus at ilang mga sasakyan na nagdulot ng bahagyang trapiko.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing insidente.