Patay ang dalawang US Postal Service employees sa nangyaring gun attack sa Tennessee post office.

Biglang namaril umano ang suspek sa East Lamar Carrier Annex sa Memphis at kinalaunan ay nagbaril din sa kaniyang sarili.

Sinabi ni US Postal Inspector Susan Link na empleyado rin ng postal ang suspek.

Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang pulisya sa dahilan sa nangyaring krimen.

Lubos namang ikinalungkot naman ng Postal Service ang pangyayari.

-- Advertisement --