CAGAYAN DE ORO CITY – Kulong ang cargo truck driver na taga-Cagayan de Oro City nang binangga nito ang isang bahay, na siyang dahilan nang pagkasawi ng tatlong katao sa Purok 10,Barangay Lumbayao, Valencia City, Bukidnon.
Ayon kay Bukidnon Provincial Police Office spokesperson Maj Jiselle Longgakit na Tagum, Davao City, minamaneho ni Allan Yu na taga-Barangay Macabalan na ang cargo truck nang bigla itong nawalan ng preno habang papunta sa Cagayan de Oro.
Mabilis dinala sa ospital sina Cerelo, 85; Mercy Palotao, 55; at isang menor de edad, dahil sa matinding mga sugat na tinamo ng mga ito.
Kalaunan ay idineklarang dead on arrival ang naturang mga biktima.
Nagtamo rin ng mga sugat ang driver at dinala sa isa pang ospital subalit tumanggi na magpagamot kaya dinampot na siya ng mga pulis.
Inihanda ang kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property laban sa s suspek.