NAGA CITY – Nag-iwan ng tatlong kataong patay ang aksidenteng kinasangkutan ng 10 wheeler truck at pampaseherong jeep sa Diversion Road, Lopez, Quezon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Sr. Master Sgt. Roman Edora, investigator on case, sinabi nitong mabilis ang takbo ng truck na minamaneho ng isangRandy Reyput hanggang sa nawalan ito ng kontrol pagdating sa pakurbang bahagi ng lugar.

Tumagilid aniya ang sasakayan na naging dahilan para madaganan nito ang isang pampasaherong jeep na minamaneho naman ni Marvin Eredera.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga pasahero at driver ng jeep na agad namang itinakbo sa ospital.

Idineklara ng dead on arrival ng mga doktor si Eredera at ang dalawa pa nitong pasahero sina Jay Quintao at Cashmere Balindog, habang sugatan naman ang isa pa na kinilala sa pangalang Francisco Balinado.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon habang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon