-- Advertisements --

CEBU – Tatlo ang kompirmadong patay matapos ang matinding buhos ng ulan na nagdulot ng matinding baha sa ilang mga lugar sa Cebu.

Kagabi, nagviral ang isang bahay matapos itong matangay sa Kinalumsan River sa Barangay Mambaling sa Cebu City kung saan makikitang may tao pa sa loob ng bahay.

Dahil dito, dalawang indibidwal ang napaulat na tinangay ng malakas na baha sa Kinalumsan River kung saan nagpapatuloy pa ang search and rescue operation ngunit isang tao ang kumpirmadong patay na natagpuan malapit sa F. Vestil Bridge sa South Road Properties.

Samantala, aabot sa 10 bahay ang tinangay ng bahay kagabie sa Sitio Maganda Barangay Duljo Fatima.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Karen Jane Agustin , isa sa mga may-ari ng bahay na tinangay ng baha, nanawagan ito sa gobyerno ng kaunting tulong sa kadahilanan na wala na silang makakain at matutuloyan bunsod ng pagkakatangay ng bahay.

Samantala, dalawang bata ang nalunod sa ilog sa Mandaue City, Cebu province.

Kinilala ang mga biktima na sina Sam Calderon, 5 taong gulang, at Alex Calderon, 7 taong gulang, na napag-alamang naglalaro sa isang kaibigan sa isang ilog sa Barangay Paknaan nang bigla silang mawala matapos silang lumusong sa tubig.

Agad namang humingi ng tulong sa awtoridad ang kanilang kalaro kasunod ng insidente at narekober ang kanilang mga katawan sa tubig na hanggang dibdib ang lalim.

Naisugod pa sila sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.