DAVAO CITY – Agad na rumesponde at nagbigay ng tulong ang lalawigan ng Laak Davao de Oro sa Barangay Naga sa nasabing lugar matapos na makaranas ito ng diarrhea outbreak.
Sa kasalukuyan, nasa tatlo na ang naitalang namatay at nasa 22 ang naisugod sa ospital habang 150 na mga pamilya ang apektado sa nasabing outbreak.
Kabilang sa mga hakbang na ginagawa ngayon ng lokal na pamahalaan ng Laak Davao de Oro at ang pagbibigay ng mineral water, biscuits, at chocolates sa mga apektadong residente at food packs sa mga isinugod sa ospital.
Ang mga tropa rin mula sa 60th Infantry Battalion ang nagbigay ng congee kasama ang MRRD Laak pati na ang dagdag na tubig para sa mga residente.
Naglaan rin ang Provincial Local Government Unit Davao de Oro ng chlorine para ilagay sa mga potable water system sa lugar na pinaniniwalaang pinagmulan ng kontaminadong tubig.
Nagbigay na rin ang ahensiya ng Department of Health XI ng mga gamot na kinabibilangan ng 10 kahon ng metronidazole tablets at 250 packs ng Oral Rehydration Salt.
Naglagay na rin ng tangke ng tubig sa lugar para magamit ng mga residente.
Isasailalim rin sa eksaminasyon ang tubig para malaman ang dahilan ng diarrhea outbreak sa lugar.