Patay ang dalawang terorista habang sugatan ang anim nilang kasama matapos magka-engkwentro ang tropa ng militar at Abu Toraife group sa Maguindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni 6th Infantry Division (ID) commander Major Gen. Cirilito Sobejana na isang sergeant officer mula sa kanilang panig ang tinamaan ng bala sa ulo matapos humarap sa higit 200 terorista na inspired umano ng Daesh-ISIS group.

Batay sa ulat, matapos ang ginawang aerial assault ng militar nitong umaga sa kuta ng mga terorista nang mangyari ang engkwentro.

Tila nagsanib pwersa din daw ang grupo nina Commander Bongos ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at ibang pang leader na sina Abu Toraife, Salahuddin Hassan at Mawiyah.

“Actually, sustained naman yung aming ginagawa tapos, pero yung kanina medyo nag ano talaga kami, nagmassive kami, yung ginawa ko before simultaneous all units at the brigade level down tot he battalion were operating but this time I find it parang necesary na magkaroon ng division operations so this is a division wide operation covering all areas suspected to be lairs of kwan, itong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters and the Daulah Islamiyah, pinagsasabaysabay na rin namin,” pahayag ni Major Gen. Sobejana.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni 6th ID spokesperon Major Arvin Encinas, surgical at very precise ang kanilang target at malayo ito sa komunidad.
Pero ayon kay Encinas dahil sa takot may mga residente pa rin ang nagsilikas.
Siniguro naman ng militar na hindi magkakaroon ng spillover ang sagupaan sa Maguindanao sa karatig lugar nito.