CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong mga pasahero habang anim ang sugatan sa salpukan ng trak at pampasaherong van sa may Sitio Dupol, Barangay Bagumbang, Bonifacio, Misamis Occidental.

Kinilala ang mga namatay na sina Gerlie Abing ng Pagadian City; Marlon Murcilla Benitez, 26, residente sa Brgy, Lower Pingkian Pitogo, Zamboanga Sibugay; at Daylinda Lapinig, may asawa at residente ng Brgy. Kulisap, Payao, Zamboanga Sibugay.

-- Advertisement --

Sugatan naman at patuloy pang ginagamot sa hospital sina Theresa Lasaca, Mark Cesar Borja, Rhiana Marie Ebcay, Danilo Balumaaga, Fredo Villamor at Parami Ebcay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang aksidente nang biglang mag-overtake ang cargo truck sa isang motorsiklo dahilan upang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa isang van.

Dahil sa lakas ng impact, gumulong ang van sa daan kung kaya’t isang pasahero ang dead on the spot.
Dalawa naman ang dead on arrival sa pagamutan.