LEGAZPI CITY – Palaisipan pa sa mga otoridad kung ano ang motibo sa nangyaring pamamaril sa dalawang pamilya sa Barangay Capaculan, Milagros, Masbate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Rustom Dela Torre, hepe ng PNP, dead on the spot ang tatlong biktima na nakilalang sina Bengie Cataga, Jonel Verona, at Jeddah Raven.
Sugatan naman sa kaparehong insidente ang limang iba pa na sina Juanito Cataga, Artemio Cataga, Michille Cataga, Niño Rosero, at Felomina Dizon na nagpapagaling na sa ospital.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na na bigla na lamang dumating sa lugar ang hindi pa nakikilalang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima gamit ang 9mm, caliber 45 pistol at 5.56 rifle.
Tinatayang nasa 300 meters ang pagitan ng mga bahay ng dalawang pamilya.
Ayon kay Dela Torre, may binabantayan nang person of interest at ginagawa ang lahat upang maaresto ang mga ito.