KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang tatalong rebeldeng NPA kabilang isang high ranking official sa nangyaring engkwentro laban sa mga sundalo sa Brgy Baluan, Palimbang, Sultan Kudarat.
Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Dennis Almorato, spokesperson ng 6th ID Philippine Army sa Bombo Radyo Koronadal.
Kinilala ang nasawing opisyal ng NPA na si Ian Dela Rama alias Cris, commanding officer ng the regional operations command ng Far South Mindanao Region at dating secretary ng Front 4A, North Central Mindanao Regional Committee mula May 2018 hanggang May 2019.
Si Rama ay may existing warrant of arrest with criminal case # 23022 para sa kasong arson na naisampa sa Branch 3 sa Butuan City.
Kabilang din sa mga nasawi sina Valerio Lacumbo na may mga alyas na Bitoy, Bobit at Delfin wna may existing warrant of arrest sa kasong robbery with violence against or intimidation of a person sa local court sa Kidapawan City at isang Wilmer Dela Cruz alias Dodong/Grab, na myembro ng Dabu-Dabu Platoon ng South Regional Command of Daguma, Far South Mindanao Region.
Narekober din ng mga sundalo ang ibat-ibang matataas na uri ng baril, hand Grenade, mga magazine at ammunitions at iba pang war materials gayundin ang mga subersibong dokumento.
Umaasa naman ang militar na magpatuloy ang pagsuko ng mga rebelde sa halip an makipaglaban sa mga ito.
Magpapatuloy naman ang operasyon ng military laban sa mga teroristang grupo sa Sultan Kudarat at buong area ng Joint Task Force Central.