-- Advertisements --

Nakapagtala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng tatlong nasawi at isa ang nawawala at dalawa ang sugatan dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton.
Sa inilabas na situation report ng NDRRMC ngayong Lunes, April 11, 2022, nagmula sa Region 11 o Davao Region ang mga nasawi at nawawalang indibidwal habang sa Region 10 o Northern Mindanao ang mga nasaktang indibidwal.
Habang umabot na sa 86,515 pamilya o 136,390 residente ang mga naapektuhan ng bagyo sa 201 barangays sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.
Nasa 52 kabahayan sa Central Visayas, Northern Mindanao, at Caraga naman ang napinsala.










