Aminado si Associate Justice Amy Lazaro-Javier na mas mahirap ang bar examination sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa.
Ito ay dahil sa katotohanang ang Pilipinas na lamang ang natitirang bansa na gumagamit pa rin ng tradisyonal na pamamaraan sa pagsasagawa ng pagsusulit para sa mga gustong maging abogado.
Binigyang-diin pa ni Justice Lazaro-Javier na ang mga katanungan sa bar exam, lalo na ang mga problem-solving questions, ay kailangang sagutin sa pamamagitan ng paggawa ng essay.
Ito ay lubhang naiiba kung ikukumpara sa multiple choice format na karaniwang ginagamit sa ibang mga bansa para sa kanilang mga bar exam.
Bukod pa rito, sinabi ni Justice Lazaro-Javier na ang sakop ng bar examination sa Pilipinas ay mas malawak at mas komprehensibo kung ihahambing sa iba pang mga licensure examinations na isinasagawa din sa bansa.














