-- Advertisements --

Magandang balita sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund na merong mga existing loans dahil sa tatlong buwan na ipapatupad na moratorium.

Ang hakbang ng Pag-IBIG ay kasunod na rin nang pagpapairal ng gobyerno ng enhanced community quarantine.

Sakop ng moratorium ay lahat ng pagkakautang tulad sa housing loans, multi-purpose loans at calamity loans sa mga member-borrowers sa NCR at buong Luzon.

Sakop ng moratorium ang payments mula March 16 hanggang June 15, 2020.

Ayon sa Pag-IBIG Fund hangad nila ang mga miyembro na maasikaso muna ang kanilang kaligtasan at pamilya sa panahon ng krisis.

Ang aplikasyon para sa moratorium ay maaring i-file sa kanilang mga branches pagkatapos na tanggalin ang community quarantine.

Ang deadline ng filing ng application ay sa June 15, 2020.