-- Advertisements --

Patay ang tatlong indibidwal na pinaghihinalaang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group sa engkwentro laban sa militar sa bahagi ng Munai, Lana del Norte.

Sa ulat naganap ang naturang engkwentro nang makasagupa ng mga tauhan ng 103rd Infantry Bridade ang naturang mga pinaghihinalaang miyembro ng Maute Group sa Barangay Lindongan na tumagal naman sa loob ng 20 minuto.

Ayon sa AFP Western Mindanao Command, kinilala ang naturang mga rebelde na sina Nezrin Sandab o alyas Firdaus/Saipal Abubacar/Fariz, at Pabo Zainoden Radia o alyas Musab.

Samantala, sa panig naman ng militar ay may Isa ring sundalo ang nagtamo ng minor injuries ngunit agad naman naisugod sa pagamutan Para sa kaukulang atensyong medikal.

Samantala, narekober naman ng mga otoridad ang tatlong M14 rifles, 7.62 mm ammunition, at anim na mga backpacks.

Dahil dito ay nagpaabot naman ng pagbati si AFP Wesmincom Chief Lieutenant General William Gonzales Para sa mga tropa ng militar na nakasagupa ng mga terorista na walang sawang tumutupad sa kanilang mga sinumpaang tungkulin.