-- Advertisements --

llang pribadong ospital sa Metro Manila ang nagdeklara na nang “full capacity” sa mga inilaan nilang pasilidad para sa mga pasyente ng COVID-19.

Sa isang statement sinabi ni Dr. Rafael Claudio, chief medical officer ng The Medical City, na nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Pasig City para mapalakas ang kanilang partnership sa paghawak ng COVID-19 patients.

Una nang itinalaga ang Pasig City Children’s Hospital bilang COVID center sa mga “moderate cases.”

“We are fully aware that this is a looming problem, but we cannot go beyond our capacity to take care of COVID-19 patients without posing serious risk to everyone — both the patients and our hospital staff.”

Nitong Lunes nang magdeklara rin ng full capacity ang Makati Medical Center.

Ayon sa medical director ng pagamutan na si Dr. Saturnino Javier, puno na ng pasyente ang kanilang COVID-19 zones. Kabilang na dito ang regular wards, critical care units at emergency room.

“Your hospital, Makati Medical Center, has attended to tens of thousands of patients suspected to have COVID-19 since the outbreak of this viral infection in our country in February.”

“To cope with the surge, MMC has augmented its physical and manpower resources to accommodate more patients, hired new recruits, and closed some areas to supplement workforce in other viral units.”

Nangako ang ospital na tutulungan pa rin nila ang mga COVID-19 patients na maghanap ng ibang pasilidad.

Samantala, pinayuhan naman ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at BGC, Taguig City ang publiko na sa ibang pagamutan muna dalhin ang mga pinaghihinalaang COVID-19 patients.

As of June 13, okupado na rin daw ang lahat ng kanilang intensive care units para sa COVID-19 patients.

“We will keep everyone updated once we reopen admissions for COVID-19 ICU beds.”

“Both hospitals remain open to accommodate admissions and treatment of non-COVID-19 cases, including outpatient procedures.”

Kahit okupado na ang pasilidad ng naturang mga ospital para sa COVID-19 patients, kanilang tiniyak na bukas pa rin sila sa pagtanggap ng mga pasyenteng hindi COVID-19 ang sakit.

Kamakailan nang ianunsyo ng Department of Health (DOH) na may 11 ospital sa Metro Manila ang malapit nang mapuno ang kapasidad sa COVID-19 patients.